Mga Bagong Benepisyaryo ng SPES, Nag-courtesy Call

May 13 na kabataan ang naging unang batch ng mga bagong benepisyaryo ng Special Program for the Employment of Students (SPES) ng Department of Labor and Employment (DOLE), sa ulat ng Municipal Public Employment Services Office (PESO).

Pormal na ipinakilala ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng isang courtesy call na idinaos ngayong araw, ika-18 ng Mayo 2026, sa tanggapan ni Mayor Niña Jose-Quiambao. Sila ay tinanggap ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, bilang kinatawan ng punong-bayan.

Ayon sa PESO, ang unang batch ay opisyal nang nakadeploy sa iba’t ibang tanggapan. Samantala, ang ikalawang batch na may 12 benepisyaryo ay kasalukuyang inihahanda pa ang mga kinakailangang dokumento para isumite sa DOLE.

Ang itinakdang arawang pasahod para sa mga benepisyaryo ay nasa ₱575.23. Ang 60% na bahagi nito o katumbas na ₱6,902.76 ay sasagutin ng lokal na pamahalaan, habang ang natitirang 40% o ₱4,601.84 ay manggagaling sa pondo ng DOLE.

Sa loob ng 20 araw na serbisyo, ang bawat benepisyaryo ay tatanggap ng kabuuang ₱11,504.60 bilang tulong pinansyal para sa kanilang pag-aaral.

Kasabay ng courtesy call ng mga SPES beneficiaries, dumating din ang mga OJT mula sa Don Mariano Marcos Memorial State University (DMMSU) La Union, at silang lahat ay madedeploy sa Municipal Agriculture Office. (VMF/RSO; JMB