Limang Bayambangueño ang tumanggap ng bagong adult wheelchair at walker mula sa Persons with Disability Affairs Office (PDAO) noong araw, ika-21 ng Hulyo 2025, sa Balon Bayambang Events Center.
Sa pamamagitan ng pondo mula sa PDAO at Senior Citizens’ Fund, matagumpay na naipamahagi ang mga assistive devices sa mga kwalipikadong benepisyaryo.
Ang pamamahaging ito ay bahagi ng adhikain ng lokal na pamahalaan na matulungan at mapagaan ang buhay ng mga sektor na higit na nangangailangan.
Wika ni Disability Affairs Officer Johnson Abalos, “Tunay na sa Bayambang, ang serbisyo publiko ay para sa lahat at walang napag-iiwanan.” (KB/RSO; AG)
#TotalQualityService
#NiñaAroTaka

