Mga Ani ng Local Farmers, Muling Tinangkilik ng Mamimili

Muling tinangkilik ng mga mamimili ang direktang bentahan ng mga magsasakang Bayambangueño ng kanilang sariwang gulay, prutas, at iba pang produkto sa tabi ng Municipal Legislative Building ngayong araw, July 15, 2026.

Sa proyektong ito, napalakas ang kita ng mga magsasaka habang nagbibigay ng abot-kaya at masustansyang pagkain sa mga mamimili.