Malugod na tinanggap ng mga guro ng Alternative Learning System (ALS) sa ilalim ng DepEd Bayambang I ang tatlong bagong printer na ipinagkaloob ng Lokal na Pamahalaan ng Bayambang (LGU) sa pamumuno ni Mayor Niña Jose Quiambao.
Ang donasyong ito, na bahagi ng suporta sa pagpapalakas ng edukasyon para sa mga out-of-school youth at adults, ay layuning mapadali ang paghahanda ng mga modyul at kagamitang panturo para sa mga mag-aaral na naantala ang pag-aaral.
Ang donasyon ay bahagi ng mas malawakang programa ng LGU sa pagpapalawak ng access sa edukasyon at pagsuporta sa mga programa ng DepEd.
Hinikayat din ni Mayor Quiambao ang mga komunidad na magtulungan upang mas marami pang out-of-school youth ang mabigyan ng pangalawang pagkakataon na makapagtapos ng pag-aaral.
Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at DepEd, patuloy na pinangangalagaan ang kinabukasan ng mga kabataang Bayambangueño. (VMF/RSO; WMC)



