Mental Health, Muling Tinutukan sa Symposium

Isa pa sa mga pangunahing isyu na tinutukan ng BPRAT sa pagdiriwang ng ika-pitong anibersaryo ng Rebolusyon Laban sa Kahirapan ay ang mental health, kaya’t sila ay nag-organisa ng isang Symposium on Poverty and Mental Health noong Agosto 22, 2024, sa Balon Bayambang Events Center.

Ito ay dinaluhan ng mga estudyante ng Bayambang Polytechnic College at Pangasinan State University-Bayambang Campus, mga miyembro ng Sangguniang Kabataan Federation, at maging mga LGU officials at employees.

Nagbahagi ng kanyang kaalaman si Dr. Roland M. Agbuya, bilang kinatawan ng Municipal Health Officer, sa mga istatistika ukol sa mental health problems at ang pagiging sanhi nito ng kahirapan, pati na rin ang mga intervention programs ng LGU-Bayambang.

Nagbigay naman ng impormasyon si Ms. Dessa Jea C. Magalong, registered psychologist at guidance counselor-designate, tungkol sa mental illness, mental wellness, at mga paraan upang mapabuti ang mental health.

Tinalakay naman ni Mr. Dave Homer Ariola, National Youth Commission Mental Health Youth Advocate, kung gaano ka-epektibo ang peer support at peer counseling sa mga kabataang nakakaranas ng mental health issues.

Nagbigay naman ng pananaw si Ptr. Mark Jolex Ramos ng Victory Church ukol sa papel ng espirituwalidad sa kalusugan ng kaisipan.

Sa pambungad na mensahe ni BPRAT Chairperson at Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, kanyang binigyang-diin na, “Your mental health is important. We don’t want to lose your life, so reach out for help because you’re not alone.”

Gamit ang kanyang mga sariling karanasan, nagpayo naman si Mayor Niña Jose-Quiambao sa mga may mabibigat na pinagdadaanan, lalo na sa mga nawawalan ng pag-asa: “As long as you are breathing and you are alive, there is always hope. Always remember that there is so much more to life than the problems we are facing right now. Everything will be okay, and in time, everything will fall into place.” (KALB/RSO; AG)