MENRO, Pinamunuan ang 2Q Provincial SWB Meeting

Si Bayambang MENRO Joseph Anthony F. Quinto ay naging resource speaker sa 2nd Quarter Meeting ng Provincial Solid Waste Management Board na ginanap noong June 27, 2024, sa Pangasinan Training and Development Center, Lingayen, Pangasinan.

Bilang Presidente ng Pangasinan Environment and Natural Resources Organization (PAENRO), kanyang iprinisenta ang PAENRO Constitution and Bylaws na kanya mismong binalangkas, at ang pinakahuling bersyon nito ay kinatigan at inaprubahan ng grupo.

Naroon si Board Member (District 3) Vici M. Ventanilla bilang Chairman ng Sangguniang Panlalawigan Committee on Environment and Natural Resources and Energy.

Ang pulong ay inorganisa ng provincial General Services Office. (RSO; MENRO)