Men on Heels, Rumampa sa Pagbubukas ng Women’s Month Celebration

Napuno ng hiyawan at palakpakan ang Balon Bayambang Events Center matapos rumampa ang mga kalahok sa “Men on Heels” bilang bahagi ng pagbubukas ng selebrasyon ng National Women’s Month ngayong Marso 2, 2026.

Sa nasabing aktibidad, nagpadala ng kani-kanilang lalaking kinatawan ang iba’t ibang departamento ng LGU na nagsuot ng heels at kasuotang pambabae bilang simbolikong pakikiisa sa pagsusulong ng pagkilala, paggalang, at pagpapahalaga sa kababaihan.

Sa literal na paglagay ng kalalakihan sa posisyon ng mga kababaihan, kahit sa pananamit man lamang, layunin ng aktibidad na mas ma-appreciate ng mga kalalakihan ng LGU ang kababaihan at ang pagiging babae.

Sa pamamagitan nito, naipakita rin ang suporta ng mga kalalakihan sa adbokasiya para sa gender equality at sa mahalagang papel ng kababaihan sa komunidad.

Nagbigay rin ng mga cash prize si Mayor Nina Jose-Quiambao sa mga kalahok bilang pagkilala sa kanilang galing at tapang sa pakikilahok at sa mensaheng kanilang ipinamalas sa entablado. (WMC/RSO; first 2 photos: RobC; AG)