Members ng GAD Focal Point System, Dumalo sa GAD Monitoring and Evaluation Training

Isang Gender and Development (GAD) Monitoring and Evaluation Training ang dinaluhan ng mga miyembro ng GAD Focal Point System ng LGU Bayambang noong November 5-7, 2024, sa Mayor’s Conference Room.

Ito ay sa pag-oorganisa ng MPDC upang mas mapalawak pa ang kaalaman ng mga naturang kawani ng LGU sa tamang pamamaraan at estratehiya sa paggamit ng iba’t ibang tools at materials sa pagmomonitor at pag-evaluate ng mga Programs, Activities at Projects (PAPs) ng pamahalaan.

Sa pambungad na mensahe ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad anito “As LGU, we should be able to respond sa lahat ng pangangailangan ng mga tao whatever gender they have.”

“When we talk about GAD, we do not just talk about women, but we talk about all the genders,” dagdag pa nito.

“I hope this training will inspire us to strive for excellence, as we are able to allocate budget for all the genders in our Municipality.” Ito naman ang naging laman ng mensahe ni Vice-mayor Ian Camille Sabangan para sa lahat ng kalahok.

Muli namang naging Resource Person si Ms. Vichel Rse J. Pangan, Independent GAD Specialist/Consultant na dati nang naging lecturer sa Workshop para sa Gender and Development Plan and Budget o GPB 2025.

Layunin ng training na ito na mapanatili at mas maitaas pa ang antas ng kaalaman ng bawat kawani ng LGU sa paghahatid ng mga serbisyo sa bawat Bayambangueño nang mayroong sensitibong pananaw sa anumang uri ng kasarian mayroon ang bawat isa. (SMUG/RSO; AG)