Medical Mission sa Macayocayo, Feeding Activity sa Sancagulis, Inihatid ng BAMEC at Team Gabriel

Isang medical mission ang isinagawa noong Enero 31, 2026 sa Brgy. Macayocayo, sa koordinasyon ng LGU Bayambang sa pamamagitan ng Municipal Nutrition Action Office (MNAO).

Ang aktibidad ay isinulong ng Bayambang Matikas Eagles Club (BAMEC) sa pamumuno ni Pres. Bogs Bugarin, katuwang ang Gabriel Medical Clinic, Gabs Pharmacy & Convenience Cooperative Store, at mga boluntaryong doktor, upang makapaghatid ng libreng serbisyong medikal sa mga residente ng barangay.

Naghatid naman ng masustansiyang pagkain sa mga bata ang isang feeding activity na isinagawa noong Pebrero 1, 2026 sa Brgy. Sancagulis, sa koordinasyon ng pa rin LGU-Bayambang sa pamamagitan ng MNAO. Ang aktibidad ay pinangunahan ng Gabriel Medical Clinic at Gabs Pharmacy & Convenience Cooperative Store bilang bahagi ng patuloy na programa ng bayan para sa kalusugan at nutrisyon ng kabataan. (RSO; MNAO)