Isang medical mission at feeding activity sa Barangay Bical Sur na pinakinabangan ng 280 na benepisyaryo ang isinagawa ngayong araw, December 21, 2025, sa pagtutulungan ng Senior Citizens of Canada na pinangungunahan nina G. Cesar at Gng. Lucy Manuntag, katuwang ang Bayambang Matikas Eagles Club sa pamumuno ni President Bogs Bugarin, gayundin si Dr. Roberto Gabriel ng Gabriel Medical Clinic at GABS Pharmacy na nagbigay ng serbisyong medikal at mga kinakailangang gamot.
Ang nasabing aktibidad ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan sa Municipal Nutrition Action Office (MNAO).
Kabilang sa mga serbisyong inihatid ay libreng konsultasyong medikal, pamamahagi ng gamot, at masustansyang pagkain para sa mga bata at iba pang sektor ng komunidad. Layunin ng aktibidad na mapalakas ang kalusugan at nutrisyon ng mga residente, lalo na ng mga bata at nakatatanda.
Lubos ang pasasalamat ng LGU-Bayambang at MNAO sa lahat ng katuwang na organisasyon at indibidwal na patuloy na sumusuporta sa mga programang pangkalusugan ng bayan.
Ang ganitong mga inisyatiba ay patunay ng suporta ng pribadong sektor para sa isang mas malusog at mas masiglang Bayambang. (RSO; MNAO)





