Medalya ng Kadakilaan, Ipinagkaloob sa Hepe ng PNP-Bayambang

Pinarangalan ng Medalya ng Kadakilaan (PNP Heroism Medal) si PLtCol Rommel P. Bagsic, Acting Chief of Police ng Bayambang Municipal Police Station, bilang pagkilala sa kanyang natatanging husay, dedikasyon sa serbisyo, at huwarang pamumuno sa matagumpay na resolusyon ng isang kaso ng pagpatay noong 2025. Kasabay niyang tumanggap ng parehong parangal si PSSg Albert D. Junio, isa ring kawani ng Bayambang MPS.

Isinagawa ang awarding ceremony sa ginanap na Monday flag-raising ceremony sa PRO 1 Grandstand, Camp BGen Oscar M. Florendo, Parian, Lungsod ng San Fernando, La Union, sa pangunguna ni PBGen Dindo R. Reyes, Regional Director ng Police Regional Office 1.

Ang pagkilalang ito ay patunay ng matibay na paninindigan nina PLTCOL Bagsic at ng kanyang pangkat sa tapat at mahusay na pagtupad ng kanilang tungkulin, gayundin sa pagsusulong ng katarungan at paghahari ng batas. Ang kanilang tagumpay ay nagsisilbing inspirasyon at patunay ng mahalagang papel ng kapulisan sa pagpapanatili ng kaayusan at katarungan sa lipunan.

Mula sa iyong LGU-Bayambang family, congratulations and snappy salute to PLtCol Rommel P. Bagsic at sa buong Bayambang MPS dahil sa isa namang panibagong karangalan para sa Bayambang!