Nagsagawa ng isang surprise sanitary inspection sa pampublikong pamilihan ngayong araw, May 20, 2024, ang SEE at RHU sa tulong ni RHU 1 Sanitary Inspector Jonathan Florentino.
Tinutukan ang mga stall owner sa meat section upang mapanatili ang kaayusan at kalinisan sa pamilihang bayan at masiguro ang kaligtasan ng bawat mamimili. (nina Angel Arquinez, Sharlene Joy G. Gonzales/RSO; larawan: JMB)