Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity, Sinimulan para Protektahan ang mga Batang 6–59 Buwan Laban sa Tigdas

Sinimulan noong  Agosto 10, 2026, ng mga Rural Health Unit (RHU) ng Bayambang ang Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR SIA) para sa mga sanggol at batang edad 6 hanggang 59 buwan.

Sa aktibidad, ang mga midwife at health worker ay nagpaliwanag sa mga magulang at guardian kung ano ang adhikain ng pagbabakuna, mga side effect nito, at kung sinu-sino ang ‘di dapat papabakunahan.

Layunin anila ng programa na mapalakas ang proteksiyon ng mga bata laban sa tigdas (measles) at rubella at makatulong sa pagpigil sa pagdami ng mga kaso nito sa Pilipinas.

Hinihikayat ang mga magulang at tagapag-alaga na makipagtulungan sa mga health worker at dalhin ang kanilang mga anak sa itinalagang vaccination sites upang mabigyan sila ng karagdagang proteksiyon laban sa mga sakit na maaaring maiwasan sa pamamagitan ng pagbabakuna.

Zone V

Male – 21

Female – 13

Total – 34

Bical Norte

Male – 31

Female – 34

Total – 65

Batangcaoa

Male – 36

Female – 23

Total – 59

Mangayao

Male – 17

Female – 16

Total – 33

(RSO; RHUs)