MDRRMO Updates

Ang MDRRMO ay nagsagawa ng clearing and cleaning operation sa mga evacuation center sa San Gabriel 1st, Pugo, at Wawa bilang paghahanda sa anumang sakuna at kalamidad.

Sila ay nagsagawa rin ng massive soil cultivation, soil enhancement, at soil conditioning, at naglagay ng organic fertilizer sa mga fruit-bearing trees na naitanim sa naturang Evacuation Centers noong nakaraang taon upang tulungang maka-survive ang mga ito ngayong panahon ng tagtuyot.

Samantala, ang mga estudyante ng Bayambang National High School at Pangasinan State University na na-assign sa MDRRMO para sa kanilang work immersion ay sumailalim sa orientation ukol sa DRRM operations, mga lecture, at isang demonstration sa Standard First Aid at Basic Knot Tying, upang sila ay magkaroon ng kaalaman at kasanayan na maaaring magamit sa araw-araw at lalo na sa panahon ng kalamidad.