Noong Pebrero 14, 2026, aktibong nakilahok ang mga kawani ng MDRRMO kasama ang mga On-the-Job Trainees (OJT) mula sa Philippine College of Science and Technology sa isinagawang Blood Letting Activity na ginanap sa Ventanilla People Center, San Carlos City.
Sa nasabing aktibidad, matagumpay na nakapagbahagi ang grupo ng humigit-kumulang 2,000 mL ng dugo na makatutulong sa mga pasyenteng nangangailangan ng agarang suplay ng dugo sa mga ospital at pasilidad medikal.
Ang pakikilahok na ito ay patunay ng patuloy na dedikasyon at malasakit ng MDRRMO at mga OJT sa paglilingkod sa komunidad, hindi lamang sa panahon ng sakuna kundi maging sa mga gawaing makatao na naglalayong makapagligtas ng buhay.






