MDRRMO, Sinimulan ang Pamamahagi ng IEC Materials at DRR Preparedness Monitoring sa mga Barangay at Paaralan

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month (NDRM) 2026, noong Hulyo 2, 2026, sinimulan ang pamamahagi ng mga Information, Education, and Communication (IEC) Materials sa 77 barangay at 64 pampubliko at pribadong paaralan sa bayan ng Bayambang.

Kasabay ng pamamahaging ito ang pagsasagawa ng monitoring at inspeksyon sa kahandaan ng bawat barangay at paaralan sa pamamagitan ng pag-check sa kondisyon at availability ng kanilang DRR supplies at equipment, kabilang ang manual at electronic early warning bells, generator set, hazard maps, at DRR Corner.

Layunin ng gawaing ito na higit pang mapalakas ang kahandaan ng bawat komunidad at paaralan sa harap ng anumang sakuna.