MDRRMO Rescuers, Sumabak sa Swift Water Rescue Training

Sa layuning lalong paigtingin ang kasanayan sa pagtugon sa mga emerhensiyang may kinalaman sa mabilis at malakas na agos ng tubig, sumailalim sa limang araw na pagsasanay ang mga kawaning-tagapagligtas ng Lokal na Gobyerno ng Bayambang.

Noong Huwebes, ika labing-anim ng kasalukuyang buwan (October 16, 2025), sa pangunguna ng mga certified instructors mula sa Philippine Red Cross Batangas Chapter, natutunan ng ating mga responders ang tamang paraan ng self-rescue, rope techniques, boat handling, at victim retrieval habang nasa gitna ng malakas na agos ng tubig. Ang mga nasabing kasanayan ay mahalaga upang makapagsagip ng buhay at manatiling ligtas ang mga tagapag-ligtas sa oras ng sakuna sa panahon ng pagbaha.

Ang limang araw na pagsasanay na nagtapos noon Lunes, ika-dalawangpo ng kasalukuyang buwan (October 20, 2025), ay patunay ng patuloy na kahandaan at dedikasyon ng Bayambang DRRM Rescue Group sa pagtugon sa ngalan ng pagliligtas at paglilingkod sa bayan, anumang oras at panahon!

Nagpapasalamat ang LGU Bayambang – MDRRMC sa San Carlos CDRRMC at Philippine Red Cross Batangas Chapter sa pagkakataong makasama sa pagsanay.