MDRRMO, Pinangunahan ang aktwal na pagsusuri ng mga 58 Fire Hydrants ng ating Bayan

Noong Hunyo 15, 2026, sa direktiba ni Mayor Niña Jose-Quiambao, sa pamamagitan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), katuwang ang Bureau of Fire Protection (BFP) at Bayambang Water District, isinagawa ang aktuwal na inspeksyon at pagtesting sa functionality ng mga 58 fire hydrant sa iba’t ibang bahagi ng ating bayan.

Isinagawa ang pagdodokumento, pagkuha ng litrato, geotagging, at pagsubok sa lakas ng buga ng mga fire hydrant bilang bahagi ng patuloy na pag-update ng critical facilities, mapping system, at pagpapalakas ng kakayahan sa paglaban sa sunog. Ang impormasyong ito ay magsisilbing mahalagang gabay sa mga rescuers upang mas mapabilis at maging epektibo ang pagtugon sa mga emerhensiyang sunog.

Layunin ng gawaing ito na matiyak na ang mga fire hydrant ay nasa maayos na kondisyon at handang magamit sakaling magkaroon ng sunog o iba pang insidenteng nangangailangan ng agarang suplay ng tubig para sa pagresponde.

Ang inisyatibong ito ay patunay ng patuloy na pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at mga katuwang na ahensya sa pagpapalakas ng kahandaan at kaligtasan ng mamamayan laban sa mga panganib ng sunog at iba pang sakuna.