MDRRMO, Nagturo ng CBDRRM, CCA, at Basic First Aid sa NHA

Ang MDRRMO ay nagbigay ng isang pagsasanay sa CBDRRM o Community-Based Disaster Risk Reduction and Management, climate change adaptation, at basic first aid para sa mga benepisyaryo ng housing program ng National Housing Authority. Layunin ng programa na mapalakas ang kahandaan ng komunidad sa panahon ng sakuna. Bahagi ito ng patuloy na adbokasiya ng MDRRMO na gawing mas ligtas at matatag ang mga residente.