MDRRMO, Nag-request ng Technical Assistance sa OCD R-1

LDRRMO, nag-Courtesy Call kay OCD R1 Regional Director Lawrence Mina

Nagsagawa ng courtesy call ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa pangunguna ni LDRRMO Genevieve N. Uy kay Regional Director Lawrence Mina ng Office of the Civil Defense Region I sa Bauang, La Union noong January 8, 2026.

Sa naturang pagbisita, pormal na isinumite ng MDRRMO ang mga request para sa iba’t ibang training at technical assistance para sa taong 2026 na layong higit pang mapaigting ang kapasidad ng munisipyo sa disaster preparedness at disaster risk reduction. Nagsumite rin ang tanggapan ng mga pinakahuling ulat hinggil sa mga pinsalang dulot ng mga nagdaang bagyo noong taong 2025.

Bukod dito, isinagawa rin ang pag-follow up sa resulta ng Post-Disaster Needs Assessment (PDNA) na isinagawa ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council Region I (RDRRMC R1) noong Hunyo 19, 2025 sa Barangay Managos, kaugnay ng mga pinsalang idinulot ng mga bagyong Kristine, Leon, Marce, Nika, Ofel, at Pepito noong taong 2024.

Ang courtesy call na ito ay nagpatibay sa ugnayan ng lokal at rehiyonal na tanggapan sa disaster risk reduction management. Magsisilbi rin itong mahalagang hakbang upang matiyak ang mas maayos na koordinasyon, mas mabilis na pagbibigay ng teknikal na suporta, at mas epektibong pagpapatupad ng mga programa at hakbangin na naglalayong mapalakas ang kahandaan, pagtugon, at katatagan ng munisipyo laban sa mga sakuna.