MDRRMO, Nag-inspeksyon sa Wawa Evacuation Center Access Road

Ang MDRRMO ay nag-inspeksyon sa ongoing na slope protection at access road projects sa Wawa Evacuation Center upang matiyak ang kalidad at kaligtasan ng konstruksyon. Ang proyekto ay agarang ipinatupad matapos masira ang bahagi ng lugar dahil sa pag-ulan dulot ng bagyong Crising. Patuloy na binabantayan ng MDRRMO at Engineering Office ang progreso upang maiwasan ang karagdagang panganib sa mga residente roon.