Ngayong ika-30 ng Enero 2026, nagsagawa ng clearing operation ang Pamahalaang Bayan ng Bayambang sa pangunguna ni Mayor Niña Jose-Quiambao, katuwang ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), Municipal Engineering Office (MEO), at Ecological Solid Waste Management Office (ESWMO), sa Old Central School.
Isinagawa ang operasyon bunsod ng natumbang punong acacia sa loob ng Old Central School na posibleng magdulot ng panganib sa gusali na kung saan ito ay naka-hilig.
Kasabay ng pagputol ng puno ay ang pagtanggal ng lumang poste ng street lights upang bigyang-daan ang pag-install ng mga solar street lights bilang bahagi ng pagpapabuti sa kaligtasan at imprastraktura ng lugar.





