MDRRMO Dumalo sa Regional Science, Technology, and Innovation Week ng DOST

Lumahok ang opisina ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa tatlong araw na Regional Science, Technology, and Innovation Week (RSTW) na may temang “Siyensa, Teknolohiya, at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag at Maginhawang Kinabukasan” na inorganisa ng Department of Science and Technology na ginanap noong Pebrero 16–18, 2026 sa Dagupan City.

Ang nasabing aktibidad ay naglalayong palakasin ang paggamit ng agham, teknolohiya, at inobasyon sa iba’t ibang sektor, kabilang ang disaster risk reduction and management. Naging mahalagang bahagi ng programa ang serye ng mga DRRM forums na tumalakay sa mga napapanahong paksa tulad ng Harnessing STI for the Blue Economy: Innovative Solutions for Sustainable Aquatic and Marine Resource Utilization, From Hazard Knowledge into Risk-Informed Action, at Smart Solutions for Sustainable Communities

Sa pamamagitan ng mga talakayang ito, nabigyang-diin ang kahalagahan ng siyentipikong datos, makabagong teknolohiya, at epektibong risk communication sa pagpapalakas ng kahandaan at katatagan ng mga komunidad laban sa iba’t ibang panganib at sakuna.

Bukod sa mga forum, tampok din ang iba’t ibang technology exhibits kung saan ipinakita ang mga makabagong kagamitan, sistema, at inisyatibong maaaring magamit sa mas mabilis na monitoring, early warning, at mas epektibong disaster response.

Ang pagdalo ng MDRRMO sa RSTW ay patunay ng patuloy na pagsisikap ng tanggapan na mapahusay ang kaalaman at kakayahan sa pamamagitan ng agham at teknolohiya, upang higit pang mapalakas ang serbisyong hatid sa komunidad at maisulong ang isang ligtas, matatag, at maunlad na bayan.