Noong Nobyembre 15-18, 2024, naging abala sa pagronda ang MDRRMO at Barangay DRRMC members upang imonitor ang mga kaganapan at magsagawa ng mga nararapat na hakbang kaugnay ng inaasahang pagdating at paghagupit ng bagyong ‘Pepito.’
Kabilang na rito ang pagtiklop ng mga tarpaulin signages na maaaring ilipad ng hangin, pagkumpuni sa mga sanga ng punong bumagsak sa linya ng kuryente, at lalung-lalo na ang pagtaas ng tubig sa ating mga kailugan at pagbaha sa mga sakahan dulot ng bagyong ‘Pepito’ at ang pre-emptive na pagrelease ng tubig ng San Roque Dam.
Ang Agno River ang sumasalo sa naturang pagbulwak ng tubig sa dam at ang mababang bahagi ng ating bayan ang nagsisilbing catch basin.
Walang naitalang casualty sa bagyo, kaya’t laking pasasalamat ng lahat. (RSO; MDRRMO, BDRRMC)