MDRRMO-Bautista, Nag-lakbay Aral sa Wawa Evacuation Center

Noong May 28, 2024, nag-benchmarking ang MDRRMO-Bautista sa Municipal Disaster Risk Reduction Management Office sa Bayambang upang malaman ang best practices ng MDRRMO para mapahusay ang disaster preparedness at response strategies sa kanilang bayan, partikular na ang pagconvert sa parte ng evacuation center para sa ibang layunin na kaugnay pa rin sa kalamidad.

Ang mga bisita ay pinangunahan ni Bautista LDRRM Officer II, Aries B. Aquino, at sila ay winelcome ni Bayambang LDRRM Officer Genevieve U. Benebe at kanyang staff sa kanilang tanggapan at sa Satellite Office sa Wawa Evacuation Center. (nina Daryl M. Mangaliag, Vernaliza M. Ferrer/RSO; larawan: JMB)