MDRRMO-Bauang, Nagbenchmarking Dito

Ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng bayan ng Bauang, La Union, at Bauang Municipal DRRM Council ay nagbenchmarking activity sa MDRRMO-Bayambang ngayong araw, April 10 2024.

Ang mga bisita ay pinangunahan ni Bauang LDRRM Officer John Vincent C. Caniezo.

Ang aktibidad ay nagsilbing pagkakataon upang pagkakataon upang ma-familiarize ang mga bisita sa best practices ng MDRRMO-Bayambang at Bayambang MDRRM Council sa DRRM (disaster risk reduction and management) o kahandaan sa kalamidad at epektibong pagtugon sa emerhensiya, partikular na ang pagharap sa mga hamon at mga pamamaraan, proseso, at aktibidad sa pagpapanatili ng de-kalidad at epektibong mga serbisyo, gayundin ang mga estratehiya sa pagpaplano kaugnay nito.

Inilibot ang mga bisita ng MDRRMO, sa pangunguna ni LDRRM Officer Genevieve U. Benebe, sa Operational Center (OpCen/EOC) ng MDRRMO sa municipal compound at Satellite EOC sa Wawa Evacuation Center. Hinangaan ng bisita ang maayos na Evacuation Center at warehousing management ng mga stocks ng MDRRMO. Ipinasyal rin sa St Vincent Ferrer Prayer ang mga bisita. (RSO/JMB)