MDRRMO at MEO, Nagkatuwang sa Assessment Activities

Nagsadya sa Brgy. Tampog ang team ng MDRRMO at Municipal Engineering Office (MEO) ngayong umaga, January 23, 2025, upang aktuwal na makita ang poste ng PLDT na nirequest ng barangay na mailipat upang magbigay-daan sa development ng nasabing barangay.

Nagkaroon ng ibayong pakikipag-koordinasyon sa PLDT at binigyan ang kumpanya ng ultimatum sa pag-aksyon sa hinihiling ng barangay.

Dumiretso naman sa Brgy. Wawa Evacuation Center Access Road ang grupo upang tingnan ang at mag-clearing operation sa mga hindi na gumaganang mga internet cable na mababa, at isaayos at itaas ang mga live wire.

Nagtuloy ang grupo sa lumang Bayambang Central School upang gawan ng assesment at strategic plan kung papaano matanggal ang nakahilig na puno sa dingding ng isang silid-aralan sa naturang lugar.

Sa pagtatapos ng araw, ang Engineering team, sa pangunguna ni Engr. Rudyfer Prado, ay nakatakdang makipag-usap sa PLDT at magbigay ng deadline para sa aksyon ng nasabing provider.

Nalinis at naisaayos naman ang mga cable wire sa kahabaan ng Wawa Access Road at nag-schedule na rin ang dalawang opisina upang magtulungan sa pagtanggal ng puno sa Central School. (MDRRMO; MDRRMO)