MDRRMO at Engineering, Naglunsad ng Clearing Operations sa Buayaen, Alingan, at Roxas Street

Nagsagawa ng clearing at monitoring operations ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at ang Municipal Engineering Office kaugnay ng mga hazardous o nakahambalang na poste at mga nakalaylay na kable sa Brgy. Buayaen, Brgy. Alingan, at Roxas Street, Brgy. Magsaysay.

Isinagawa ang naturang aktibidad katuwang ang iba’t ibang telecommunications companies upang agad na matugunan ang mga panganib na dulot ng sirang poste at dangling wires na maaaring magdulot ng aksidente sa mga motorista at residente. Layunin ng operasyon na matiyak ang kaligtasan ng publiko at mapanatili ang kaayusan sa mga nasabing lugar.

Patuloy ang koordinasyon ng MDRRMO at Engineering Office sa mga kinauukulang kumpanya upang masiguro ang tuluyang pagsasaayos at pag-alis ng mga nakahambalang na linya at poste sa iba’t ibang bahagi ng bayan. (RSO; RPM)