Sa direktiba ni Mayor Niña Jose-Quiambao, isang biglaang Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA) ang isinagawa ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Council (MDRRMC) ng Bayambang, ngayong araw, Hulyo 3, 2025, bunsod ng namumuong low pressure area (LPA), gamit ang Zoom video upang maabot ang lahat ng miyembro sa kani-kanilang mga opisina.
Pinangunahan ni LDRRM Officer Genevieve N. Uy, MDRRM Council Secretariat, ang pagtalakay sa nakatakdang ruta ng naturang LPA, at ang mga hakbang na isinagawa ng MDRRMC, kabilang ang pakikipagkoordinasyon sa mga partner agency, stakeholder, at Barangay Disaster Risk Reduction Management Council (BDRRMC); pagsubaybay sa PAGASA para sa latest na impormasyon; pag-ocular inspection sa mga kailugan; at paghahanda ng mga rescue vehicle at rescue equipment.
Ang mabilis na pagkilos ng MDRRMC ng Bayambang ay nagpapakita ng kanilang dedikasyon sa kaligtasan ng mga Bayambangueño. (VMF/RSO; RSO)




