Ngayong araw, July 31, 2023, nagsagawa ng pulong ang Municipal Disaster Risk Reduction Management Council na pinangungunahan ni MDRRM Chairwoman, Mayor Niña Jose-Quiambao (via Zoom) at Vice-Mayor Ian Camille Sabangan sa Balon Bayambang Events Center.
Sa pangunguna ni MDRRM Council Secretariat, LDRRMO Genevieve U. Benebe, isa-isang nagbigay ng update ang mga departamento at ahensya ukol sa kani-kanilang mga hakbang na ginawa bilang tulong noong nakalipas na bagyong ‘Egay’ kasabay ng Pre-Disaster Risk Assessment para sa parating na bagyong ‘Falcon.’ Ibinahagi rin nina PLtCol. Rommel Bagsic ng PNP, Dr. Paz Vallo ng RHU I, SInsp Divina Cardona ng BFP, MSWD Officer Kimberly Basco, at MLGOO Johanna Montoya ng DILG na nakahanda ang anumang suplay ng mga tao at kagamitan kung kinakailangan.
Ang pulong ay dinaluhan din nina Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, Chief Executive Assistant Carmela Atienza-Santillan, Dr. Rafael Saygo ng MTICAO, mga Punong Barangay, at iba pang representante at miyembro ng MDRRMC.
Isa sa mga binigyang-diin ni Ms. Benebe ay halaga ng pagbabantay sa lakas ng ulan sa bulubundukin ng Benguet sapagkat sigurado aniya na ang tubig mula rito ay aagos pababa ng Agno matapos ang isa hanggang tatlong araw kahit pa umaraw man matapos ang bagyo.
Hinihimok ang lahat na maging handa sa mga posibleng maging epekto ng parating na bagyo.