MDRRMC, Nag-pre-disaster Risk Assessment kaugnay ng Bagyong ‘Gener’; MDRRMO, Naghanda ng Rescue Equipment at Vehicles at Nagmonitor ng River Water Level

Ang MDRRM Council ng Bayambang, sa pangunguna ni Mayor Niña Jose-Quiambao at ng MDRRMO, ay nagsagawa ng Pre-Disaster Risk Assessment bunsod ng pagdating ng bagyong “Gener” sa lokalidad ng Bayambang.

Ayon sa ulat, kasalukuyang nakataas ang Tropical Cyclone Warning Signal No. 1 sa probinsya ng Pangasinan, at direktang dadaan sa ating bayan ang naturang bagyo.

Bagamat ito ay may kahinaan, ito naman ay may katagalan din, kaya’t maaaring magdulot ng mga pagbaha.

Kaya naman ang lahat ay inaabisuhan na mag-ingat, maghanda, at maging mapagmatyag upang maging ligtas at malayo sa anumang maaaring sakunang dulot ng masamang panahon.

Samantala, agad ding nagsagawa ang MDRRMO ng river water monitoring, prepositioning ng rescue equipment, at preparasyon ng mga rescue vehicle. (RSO; MDRRMO, MLO)