MDRRMC, Nag-pre-disaster Risk Assessment kaugnay ng Bagyong ‘Enteng’; MDRRMO, Naghanda ng Rescue Equipment at Vehicles at Nagmonitor ng River Water Level

Ang MDRRM Council ng Bayambang, sa pangunguna ni Mayor Niña Jose-Quiambao at ng MDRRMO, ay nagsagawa ng Pre-Disaster Risk Assessment bunsod ng pagdating ng bagyong “Enteng” sa lokalidad ng Bayambang.

Bagamat hindi direktang apektado ang bayan ng Bayambang ng malakas na pag-ulan, ang lahat ay inaabisuhan pa rin na mag-ingat, maghanda, at maging mapagmatyag upang maging ligtas at malayo sa anumang maaaring sakunang dulot ng masamang panahon.

Samantala, agad ding nagsagawa ang MDRRMO ng river water monitoring, prepositioning ng resue equipment, at preparasyon ng mga rescue vehicle. (RSO; MLO)