Ang MDRRMC ay walang tigil sa pagmonitor ng lagay ng panahon sa kalagitnaan ng pananalasa ng bagyong ‘Luis’ at ‘Maymay’ kasabay ng southwest monsoon o habagat.

Kabilang sa ginawang aksyon ay ang mg sumusunod:

– pagronda ng PNP, BFP, MDRRMO sa bayan at sa mga barangay kasama ang mga BDRRMC upang makita ng lagay ng mga kababayan,

– pagmonitor sa mga bahaing lugar,

– round-the-clock na pagmamanman sa Agno River, Calvo Br., at Romulo Bridge, kung saan nakitang below alert level ang lebel ng tubig sa ilog,

– pagtaas ng MDRRMO sa RED Alert status ng operasyon matapos ang matinding Orange Rainfall warning ng PAGASA at pagbaba nito sa BLUE matapos humina ang pag-ulan.

– Isang Elf truck naman na sumadsad sa putik sa may lumang Bayambang Central School ground ang tinulungang umahon ng MDRRMO gamit ang isa sa kanilang mga rescue vehicle.

– Samantala, on standby lahat ng iba pang rescue vehicle ng MDRRMO at ang buong opisina ng MSDWO at DSWD sakaling may mangailangan ng kanilang tulong.