Dahil sa pananalasa ng severe tropical storm (STS) ‘Crising,’ tropical storm (TS) ‘Dante,’ typhoon (TY) ‘Emong,’ at sa patuloy na pag-ulan dulot ng southwest monsoon o habagat, nagsagawa noong Hulyo 28, 2025 ang Bayambang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) ng isang Rapid Damage Assessment and Needs Analysis o RDANA upang kagyat na masuri ang lawak ng pinsala at matukoy ang mga agarang pangangailangan ng mga apektadong barangay at indibidwal.
Ayon sa MDRRMC, may kabuuang 2,948 sambahayan o 15,080 indibidwal ang naging apektado sa malawakang pagbaha.
Ang RDANA ay magsisilbing batayan ng mga isusunod na tulong at aksyon ng gobyerno.
Patuloy ang panawagan ng lokal na pamahalaan sa mga barangay na makipag-ugnayan at magsumite ng ulat ukol sa pinsalang dulot ng pagbaha upang maisama sa kabuuang assessment. (RGDS/RSO; WMC)










