Patuloy na nagpapatupad ng maagap at maagapay na serbisyo ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) ng Bayambang sa pamamagitan ng iba’t ibang operasyon para sa kaligtasan at kapakanan ng mamamayan.
Noong Mayo 12, 2026, nagsagawa ang MDRRMO ng clearing operation sa dalawang tuyot na puno sa lumang Bayambang Central School campus matapos itong maituring na posibleng panganib sa mga residente at mga dumaraan sa lugar. Isinagawa ang operasyon bilang tugon sa kahilingan ng Special Economic Enterprise (SEE).
***
Sa kaparehong araw, tumulong din ang MDRRMO sa Municipal Engineering Office sa pagpapalit ng sirang streetlight sa Brgy. Bani sa pamamagitan ng boom lift operation upang masiguro ang kaligtasan at kaginhawahan ng publiko, lalo na sa mga motorista at residente sa lugar.
***
Samantala, noong Mayo 13, 2026, nagtulungan ang MDRRMO, Philippine National Police (PNP), at Bayambang Public Safety Office (BPSO) sa pagbibigay ng standby medical response at seguridad kaugnay ng MPTC Tour of Luzon 2026 Stage 14. Naideploy ang mga personnel sa tatlong itinalagang himpilan — San Vicente, Hi-Pad, at Nalsian Talipapa — bilang tugon sa kahilingan ng Tourism Office. (MDRRMO/RSO; MDRRMO)





