MDRRM Council, Naghahanda para sa Barangay at SK Election, UNDAS, Paskuhan sa Bayambang at New Year’s Eve

Noong ika-9 ng Oktubre, 2023, nagpatawag ng pagpupulong ang Municipal Disaster Risk

Reduction and Management Council (MDRMMC) upang mapaghandaan ng LGU ang nalalapit na Barangay at SK Elections, Undas, Paskuhan na Bayambang at New Year’s Eve celebration, sa pangunguna ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, bilang kinatawan ni Mayor Niña Jose-Quiambao, at LDRRM Officer Genevieve U. Benebe, at ito ay ginanap sa Mayor’s Conference Room.

Sa pulong ay idinetalye nina Election Officer Zenaida Diaz at PLtCol. Rommel Bagsic ang mga ginagawang preparasyon at panuntunan para sa darating na Barangay and SK Election at UNDAS.

Napag-usapan din ang mga mangyayari sa pagbubukas ng Paskuhan sa Bayambang 2023, kung saan itatampok sa Municipal Plaza ang maningning na pailaw at at displays na hango sa Japanese anime characters ng Studio Ghibli Studio, ang 3D LED display sa harap ng Royal Mall, at Night Market na siguradong kagigiliwan ng bawat Bayambangueño at mga bisita.

Kasama rin sa mga dapat abangan ang pagsalubong sa Bagong Taon, kung saan magkakaroon ng isang misa, mini concert, at New Year’s countdown na may fireworks display.

Ang pagpupulong ay dinaluhan iba pang mga MDRRMC member, kabilang sina SFO4 Divine Cardona ng Bureau of Fire Protection, MTICAO head at BPC President, Dr. Rafael L. Saygo, at halos lahat ng LGU department at unit heads.