Mayor NJQ, Namahagi ng 57 Units ng Smart TV para sa mga Pampublikong Paaralan sa Bayambang

Sa ilalim ng mabuting pamumuno ni Mayor Niña Jose-Quiambao, kitang-kita talaga kung saan napupunta ang mga ibinabayad na buwis ng mga Bayambangueño.

Noong Hunyo 23, 2025, ipinamahagi niya ang 57 units ng smart TV para sa lahat ng pampublikong paaralan sa elementarya at sekundarya, sa presensiya ng mga opisyal ng LGU at mga kawani nito sa Balon Bayambang Events Center.

Ang naturang mga school equipment ay nabili mula sa pondo ng LGU at Special Education Fund, kung saan kasama rito ang donasyong sahod ni Mayor Niña Jose-Quiambao.

Sa pamamagitan ng mga makabagong telebisyon, inaasahang mapapahusay ang kalidad ng pagtuturo ng mga guro at pag-aaral ng kanilang mga estudyante. 

Naniniwala si Mayor Quiambao at lokal na pamahalaan na ang edukasyon ang susi sa pag-unlad ng bayan at pagsugpo sa kahirapan, kaya’t gagawin nila ang lahat upang matiyak na ang mga mag-aaral ay may access sa de-kalidad na edukasyon sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya. (VMF/RSO; AG)

#TotalQualityService

#NiñaAroTaka