Mayor NJQ, Nagkaloob ng Wheelchair sa Batang May Sakit

Bilang tugon sa panawagan ng isang inang humihingi ng tulong para sa kanyang anak na may osteomyelitis, agad na nagkaloob si Mayor Niña Jose-Quiambao noong July 1, 2026 ng isang wheelchair upang makatulong sa pang-araw-araw na mobilidad ng bata.

Ang tulong ay ipinagkaloob matapos matanggap ng alkalde ang mensahe ng ina na nagsasaad ng kalagayan ng kanyang anak na sumailalim sa gamutan at nahihirapang makalakad.

Malaking ginhawa ang hatid ng wheelchair dahil napadali nito ang paggalaw ng bata at lalo na ang kanyang pagpasok sa paaralan.

Muling ipinakita ni Mayor Niña ang kanyang malasakit sa mga Bayambangueño sa pamamagitan ng agarang pagtugon sa mga nangangailangan, lalo na sa mga pamilyang dumaranas ng matinding pagsubok. (VMF/RSO; MTICAO)