Mayor NJQ at Sir CTQ, Naglibre ng Lunch sa Pagdiriwang ng Kaarawan at Anibersaryo

Naglibre ng masarap na tanghalian ang dating alkalde, Dr. Cezar T. Quiambao, at si Mayor Niña Jose-Quiambao, nitong Nobyembre 17, 2025 bilang pagdiriwang ng kaarawan at anibersaryo sa kasal.

Ang selebrasyon ay ginanap sa iba’t ibang lokasyon.

Kabilang sa nahandugan ang mga LGU department head, mga kawani ng lokal na pamahalaan, mga medical staff ng Bayambang District Hospital (BDH), mga miyembro ng TODA, mga vendor sa public market, at mga empleyado ng pribadong sektor.

Ang buong pamayanan ay nagpapasalamat sa handog na handa kalakip ng kanilang mga panalangin ng ibayong pagpapala, kalusugan, at tagumpay para sa first couple ng bayan. (VMF/RSO; MTICAO)