Mayor Niña, Todo ang Suporta sa mga Atletang Bayambangueño

Ngayong araw, Mayo 6, 2026, tinanggap ng coaches ng mga atletang Bayambangueño ang halagang ₱170,000 na tulong pinansyal mula sa sariling bulsa ni Mayor Niña, bilang buong pusong suporta sa kanilang paglahok sa Palarong Pambansa na gaganapin sa Agusan del Sur mula Mayo 24 hanggang 30.

Ang nasabing halaga ay inilaan para sa kanilang plane tickets upang matiyak ang maayos na paglalakbay sa kanilang pagsabak sa pambansang kompetisyon.

Patunay ito ng patuloy na pagkalinga ng lokal na pamahalaan sa paghubog ng husay at talento ng kabataang atleta—handa sa hamon at bitbit ang karangalan ng Bayambang! (SMUGC;AGA,WM)