Bilang pagpapakita ng suporta ni Mayor Niña Jose-Quiambao sa mga programa at proyekto ng Philippine Red Cross- Pangasinan Chapter, dumalo ang kaniyang kinatawan na si Sheina Mae Gravidez sa RC 143 Memorandum of Agreement (MOA) Signing ng PRC- Pangasinan Chapter, Alaminos City Chapter at ng pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan noong January 23, 2025 sa Urduja House Capitol Grounds, Lingayen, Pangasinan.
Ang aktibidad na ito ay naglalayong mas mapalawak pa ang implementasyon ng naturang programa sa buong probinsiya upang higit na mapaigting ang panghihikayat sa mas marami pang volunteers na handang sumaklolo sa kanilang kapwa sa oras ng sakuna.