Mayor Niña, Pinulong ang MDRRM Council para sa 2nd Quarter

Pinangunahan ni Mayor Niña Jose-Quiambao ang second quarter meeting ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) ng Bayambang sa koordinasyon ng MDRRMC Secretariat sa ilalim ni Local DRRM Officer Genevieve N. Uy ngayong araw, Abril 15, 2025, sa Sangguniang Bayan Session Hall.

Tampok sa pagpupulong ang mga mahahalagang usapin na magsisilbing gabay sa pagbuo ng mga polisiya at programang tutugon sa iba’t ibang hamon ng kalikasan at emerhensya, kabilang ang rebisyon ng Local DRRM Fund para sa taong 2025, gayundin ang pag-apruba ng resolusyon sa paggamit ng Trust Fund na inaasahang magpapabilis sa implementasyon ng mga proyekto para sa disaster preparedness.

Ipinakita rin sa pulong ang unang draft ng Public Service Continuity Plan (PSCP) gamit ang PSCP Guidebook Volume 2, na layuning mapanatili ang serbisyo publiko sa gitna ng kalamidad o emergency.

Tinalakay din ang mga paghahanda para sa Semana Santa at summer vacation, mga panahong karaniwang tumataas ang panganib sa sunog, heat stroke, at iba pang insidente.

Ang pagtitipon ay nilahukan ng mga miyembro ng MDRRMC na patuloy na katuwang ng lokal na pamahalaan sa pagbubuo ng mga estratehiya para sa kaligtasan ng bawat Bayambangueño. (RGDS/RSO; JMB)

#TeamQuiambaoSabangan

#TotalQualityService

#NiñaAroTaka