Isang pulong naman ang agarang isinagawa ng LGU Bayambang na pinangunahan ng ating butihing Mayor Niña Jose-Quiambao, upang sa gayon ay agad na masolusyunan ang kinahaharap ng mga vendors dahil sa sunog.
Hindi titigil ang buong LGU, kasama ang team Quiambao-Sabangan, at buong pamilya ng Jose-Quiambao, sa paghahatid ng tulong upang ang pagsubok na ito ay malampasan at mapagtagumpayan.