Mayor Niña, Pinangunahan ang Contract Signing para sa Road Opening at Concreting ng San Gabriel II–Pantol Farm-to-Market Road

Pormal na nilagdaan ngayong araw, Hulyo 23, 2026, sa Mayor’s Conference Room (MCR) ang Contract Agreement para sa Road Opening and Concreting of San Gabriel II–to-Pantol Farm-to-Market Road sa pagitan ng pamahalaang bayan ng Bayambang at R.R. Ricafort Construction and Supplies, bilang hudyat ng pormal na pagsisimula ng implementasyon ng nasabing proyekto.

Pinangunahan ang contract signing ni Mayor Niña Jose-Quiambao kasama si Municipal Administrator, Atty. Rodelyn Rajini S. Vidad. Kinatawan naman ng R.R. Ricafort Construction and Supplies sina Rafael Felipe Ricafort at Kyla Isabel Ricafort.

Batay sa nilalaman ng kasunduan, iginawad sa R.R. Ricafort Construction and Supplies, na may principal office sa Mac Arthur Highway, Parsolingan, Gerona, Tarlac, ang kontrata matapos itong magsumite ng responsive bid para sa proyekto. Ang kabuuang halaga ng kontrata ay ₱302,582,058.55.

Nakasaad din sa kasunduan na ang kontrata ay isinagawa alinsunod sa mga probisyon ng Republic Act No. 12009 at sa mga kaugnay nitong implementing rules and regulations, kabilang ang mga Philippine bidding documents at iba pang dokumentong bumubuo sa kontrata.

Kabilang din sa dumalo sa contract signing sina Municipal Engineer Bernadette D. Mangande at HRMO Head, Atty. Melinda Rose R. Fernandez, bilang mga opisyal na saksi sa mahalagang aktibidad.

Patunay lamang na sa paglagda ng kasunduang ito, opisyal nang umusad ang isa pang mahalagang proyektong pang-imprastraktura sa bayan ng Bayambang, na inaasahang magbibigay ng mas maayos na akses at magpapalakas sa konektibidad ng mga apektadong komunidad sa oras na ito ay maisakatuparan. (JLT/RSO; JAB)