Muling pinangunahan nina Mayor Niña Jose-Quiambao at Special Assistant to the Mayor, Dr. Cezar T. Quiambao, ang quarterly Management Committee meeting, kung saan tinalakay ng lahat ng department at unit head ang pinakahuling estado ng lahat ng pinakamalalaking proyekto at isyu sa LGU.
Ang pulong ay inorganisa ng MPDO noong Oktubre 29, 2025 sa sa Mayor’s Office.
Kabila sa mga tinalakay ang renovation work sa Public Cemetery, mga development options sa dating Bayambang Central School campus grounds, DA-PRDP construction work, pagbubukas ng dalawang agricultural warehouses, bagong parking lot sa dating Yellow Building sa pamilihang bayan, LGU fund utilization rate, at pamimigay ng mga helmet sa mga mag-aaral bilang pananggalang kung sakaling lumindol. (RSO; Rob Cayabyab)






