Mayor Niña, Nanguna sa PDRA para sa Bagyong “Paolo”

Muling pinangunahan ni Mayor Niña Jose-Quiambao ang isang Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA) ngayong araw, Oktubre 2, para sa bagyong pinangalanang ‘Paolo,’ kasama ang lahat ng miyembro ng Bayambang Municipal Disaster Risk Reduction Council (MDRRMC) sa pamamagitan ng Zoom video.

Ibinahagi ni LDRRM Officer Genevieve N. Uy ang lokasyon, trajectory, at posibleng maging epekto ng bagyo sa bayan ng Bayambang, at lumalabas na direktang dadaan ang bagyo sa bayan ng Bayambang bukas, subalit mahina lamang aniya ito kumpara sa mga nakaraang mga bagyo.

Pagkatapos nito ay tinalakay ng iba’t ibang miyembro ang kanilang ginawang paghahanda, at pati na rin ang kasalukuyang lagay ng mga naapektuhan ng nakaraang supertyphoon ‘Nando’ at ‘Opong,’ at pinangalanan niya ang mga barangay na may nalalabi pang mga kabahayan at sakahan na nananatiling lubog pa rin sa baha.

Kabilang sa mga nakilahok sa pulong ang lahat ng 77 Punong Barangay, kaya’t sinamantala na rin ng MLGOO ang pagkakataon upang magpapaalala naman ukol sa tamang waste disposal sa lahat ng kabahayan. (RSO; MDRRMO)