Mahigit 3,000 mag-aaral ng Child Development Centers (CDCs) sa lahat ng barangay ng Bayambang ang nabigyan ng libreng fresh milk noong Hunyo 16, 2026, mula kina Mayor Niña at ng pamilyang Quiambao.
Sa halip na isang pribadong pagdiriwang lamang, pinili ng pamilya na gawing mas makabuluhan ang unang kaarawan ng kanilang anak na si Christopher Quiambao sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kanilang kasiyahan sa komunidad at pagsama sa mga batang Bayambangueño sa pagdiriwang.
Personal itong ipinamahagi ng mga kinatawan ng Niña Cares Foundation at Kasama Kita sa Barangay Foundation, Inc., bilang pagpapahayag ng pagmamahal, pag-aalaga, at pasasalamat sa mamamayan ng Bayambang. (SMGC;CDCs)







