Ang dalawang bagong centenarian mula sa Bayambang ay pinagkalooban ng P100,000 cash gift mula sa sariling bulsa ni Mayor Niña, ngayong araw ika-14 ng Oktubre, 2024.
Sila ay sina Adriano G. Herrera ng Brgy. Pangdel at Magdalena A. Rico ng Brgy. Warding.
Ang cash gift ay tinanggap ng kanilang mga apo.
Noong October 7, nauna nang tinanggap ng dalawang centenarians ang tig-P15,000 cash grant mula sa LGU/MSWDO.
Bukod pa rito, inaasahan din nilang tatanggapin ang mandatory P100,000 cash grant mula sa pambansang pamahalaan, alinsunod sa Republic Act 10868 o mas kilala bilang Centenarians Act of 2016.
Ang batas na ito ay nagtatakda na lahat ng mga Pilipinong umabot sa edad na 100 ay mabibigyan ng centenarian gift. (Khim Ballesteros/RSO; AG)