Sa Executive Committee (ExeCom) Meeting na pinangunahan ni Mayor Niña Jose-Quiambao ngayong araw, ika-5 ng Mayo 2025, sa Mayor’s Conference Room, pinagtuunan ng pansin ang mga posibleng hakbang upang mapabuti ang daloy ng trapiko sa bayan, gayundin ang mga usapin kaugnay ng business licenses and permits para sa mga lokal na negosyante, at iba pang maiinit na isyu sa bayan.
Naging bahagi rin ng agenda ang pagsusuri at pagtukoy sa mga proyektong kailangang tapusin o simulan alinsunod sa Executive-Legislative Agenda (ELA) na siyang gabay sa mga inisyatiba ng pamahalaang lokal. (RGDS/RSO;JMB/AG)