Sa kabila ng hagupit ng bagyo, muling pinatunayan ng mga Bayambangueño ang diwa ng pagkakaisa at malasakit.
Taos-pusong pasasalamat ang ipinaabot ni Mayor Niña Jose-Quiambao sa lahat ng volunteers—mula sa mga barangay official, responder, volunteer, hanggang sa mga pribadong indibidwal—na walang pagod na tumulong sa relief operations at pagresponde sa mga nasalanta.
“Sa gitna ng unos, lumitaw ang tunay na tapang at puso ng ating mga kababayan. Buhay na buhay ang bayanihan dito sa Bayambang,” ani Mayor Niña.
Dagdag pa ng alkalde, hindi matatawaran ang sakripisyo ng bawat isa para matiyak ang kaligtasan ng mga apektadong pamilya.
Patuloy rin ang pamimigay at pag-aabot ng tulong medikal, pagkain sa mga apektadong residente. (KB/RSO; Rob Cayabyab)
#TotalQualityService
#NiñaAroTaka


